September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Jon Lucas, tinitigan nang matalim ng isang aleng binigyan ng ayuda

Jon Lucas, tinitigan nang matalim ng isang aleng binigyan ng ayuda
Photo courtesy: GMA Public Affairs (FB)

Nakakaloka ang larawan ng "Black Rider" kontrabida star na si Jon Lucas habang namimigay ng ayuda sa ilang mga nasalanta ng bagyong Carina at habagat kamakailan.

Photo courtesy: GMA Public Affairs (FB)

Ibinahagi sa GMA Public Affairs Facebook page ang larawan ni Jon habang iniaabot ang isang supot ng relief goods sa isang ale, na napitikan namang masama ang tingin sa kaniya.

Hirit tuloy, "Ate, mabait po si Aljhon Lucas sa totoong buhay! Karakter niya lang po si Calvin sa #BlackRiderHeroicFinale!"

Sa caption, nagkomento rin si Jon.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"Maraming salamat po sainyong lahat mga Kapuso! Nakakataba po ng puso. I love you all!!" aniya.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang nasabi naman ng isang tatay nang bigyan nila ni Ruru Madrid ng bagong telebisyon, sponsored ng Unang Hirit.

Ang hinahangaan daw kasi ng matanda ay si "FPJ's Batang Quiapo" star Coco Martin.

Sports naman si Ruru dahil sinabi niyang siya man daw ay lodi si Coco.