September 20, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, grateful na nakapasok sa tatlong final round ng Olympic event

Carlos Yulo, grateful na nakapasok sa tatlong final round ng Olympic event
Photo Courtesy: via MB

Ibinahagi ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang naramdaman niya matapos niyang makapasok sa tatlong final round ng Olympic event.

Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Linggo, Hulyo 28, sinabi ni Yulo na grateful daw siya sa nakamit na tagumpay sa nasabing kompetisyon.

“I’m really grateful po na nakapasok pa rin ako sa all around and syempre sa floor finals. And baka may vault finals din po ako. So ‘yon, really hoping po na makapasok ako sa fault,” pahayag ni Yulo.

Gayunman, aminado si Yulo na hind niya naiwasang makaramdam ng kaba sa nangyaring overall qualification. 

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Sobrang kabado ko po no'ng una especially sa floor. Pero after po ng performance ko, nag-die down po 'yong taas na energy and you pagkakaba ko po,” aniya.

Bukod dito, isiniwalat din ni Yulo na may mga mistakes din umano siya sa kaniyang performance ngunit hindi lang daw halata 

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pasok sa finals ng all-around, floor exercise, at vault events