September 08, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Ruru namigay ng TV sa isang lolo, pero nabanggit pangalan ni Coco

Ruru namigay ng TV sa isang lolo, pero nabanggit pangalan ni Coco
Photo courtesy: Screenshot from Unang Hirit (YouTube)/Dreamscape Entertainment (FB)

Laugh trip ang eksena sa "Unang Hirit" matapos mamahagi ng TV sina "Black Rider" stars Ruru Madrid at Jon Lucas sa isang lolo, bilang bahagi ng promotion at pasasalamat na rin sa finale ng kanilang serye.

Sey ni Ruru sa lolo, sa wakas ay makakanood na siya ng "Black Rider" na siya nga ang bida.

Pero natawa na lamang sina Ruru at Jon nang banggitin ng matanda si "Coco."

"Ang napapanood ko, hinahangaan ko si Coco," tapat at diretsahang sagot ng matanda na ikinatawa na lamang nina Ruru at Jon. 

Teleserye

Jericho, nasilaw sa alindog ni Janine; netizens, nangantiyaw

Ang bait naman ni Ruru Madrid, namigay ng... - Showbiz Online Portal | Facebook

Si Coco, o Coco Martin, ang bida-direktor ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na katapat ng show ni Ruru.

Means to say ang pinapanood ng lolo ay Batang Quiapo nga.

Sports naman ang dalawang Black Rider stars na imbes na "bawiin" ang Tv o madismaya ay natawa na lang din sa sinabi ng lolo.

Matatandaang sinabi na noon ni Ruru na lodi niya si Coco at wala silang masamang tinapay sa isa't isa, kahit na dalawang beses na silang nagbabanggaan sa time slot.