September 19, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Ruru Madrid, bet gumawa ng action film

Ruru Madrid, bet gumawa ng action film
Photo Courtesy: Ruru Madrid (IG)

Inihayag ni Kapuso actor Ruru Madrid ang kagustuhan niyang makagawa ng isang action film pagkatapos ng kaniyang action-drama series na “Black Rider” sa GMA Network.

Sa isang ulat ng GMA Integrated News kamakailan, sinabi ni Ruru na ngayong nakagawa na siya ng action serye ay naghahangad na siya ng maaksyong pelikula.

"'Yong mga dating ako, 'yong mga katulad ko na nagsisimula pa lang, nais kong makatulong sa kanila doon sa mga bagay na alam kong puwede po akong makatulong. That's the dream. 'Yon 'yong ultimate dream ko but at the same time siyempre, ngayong na nakagawa po ako ng mga action-serye, hopefully, makagawa naman po ako ng isang action film," saad ni Ruru.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ruru ang pangarap niya umanong makapag-direk at makapag-produce ng pelikula. Pero sa ngayon, gusto raw muna niyang mag-focus sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kaniya ng GMA Network.

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

“Ayoko pa pong isipin 'yan sa ngayon kasi I just want to focus on everything na pinagkakatiwala po sa akin ng network at kung ano po 'yong maiaambag ko doon sa mga proyektong 'yon," aniya.

Matatandaang kamakailan lang ay napag-usapan ang tungkol sa pagwawakas ng serye ni Ruru matapos maiulat ang huling dalawang linggo nito.

MAKI-BALITA: Tanggol vs Tanggal: Black Rider, semplang sa Batang Quiapo?

MAKI-BALITA: Mga halang ang bituka, uubusin na ni Ruru sa huling linggo