September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?
Photo Courtesy: via MB, Mark Anthony Fernandez (IG)

Isiniwalat ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ang dahilan kung bakit wala pa raw siyang natatanggap na acting award kahit ilang beses na umano siyang nanonomina.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Lunes, Hulyo 22, sinabi ni Mark na nadaya umano siya noon kaya hindi pa rin siya nananalong best actor hanggang ngayon.

“Feeling ko nadaya ako wayback. Ang daming beses ko nang na-nominate na best actor pero hindi pa ako nananalo,” saad ni Mark.

“Ang napalunan ko lang, Guillermo Mendoza Memorial award, dalawang beses. Tapos isang best stunt award,” wika niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa niya: “Kung hindi man ako dinaya, baka gusto ninyo akong bigyan ng feedback kung bakit ako natalo? Puwede ko naman ayusin yon para manalo.”

Gayunman, nilinaw ng aktor na wala naman daw siyang sama ng loob sa industriya bagama’t iginiit niya na buo umano ang kaniyang paniniwala na talagang dinaya raw siya.

Matatandaang nakatanggap si Mark ng acting nomination para sa pagganap niya sa pelikulang “Matimbang Pa Sa Dugo” noong 1994 at “Mangarap Ka” noon namang kasunod na taon ngunit bigong nanalo.

Samantala, usap-usapan ngayon sa X (dating Twitter) ang pangalan ng aktor dahil sa kumakalat umanong video ng kaniyang sex scandal.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?