September 07, 2024

Home BALITA

Binatilyong naligo sa ilog, nalunod!

Binatilyong naligo sa ilog, nalunod!
Photo courtesy: Manila Police District (MPD)-Homicide Section

Isang binatilyo ang patay nang malunod habang naliligo sa ilog sa Tondo, Manila nitong Lunes ng gabi, Hulyo 22. 

Kinilala ang biktima na si Khaydel Buensoleso, 13, at residente ng Simoun St., sa Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong alas-6:51 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng Infanta Bridge sa Tondo.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang biktima at kaniyang mga kaibigan na maligo sa ilog sa kabila ng pabugsu-bugsong malalakas na pag-ulan.

National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Sa kasagsagan ng kanilang paliligo, napuna umano ng mga kaibigan ng biktima na nawawala na ito at tinangay pala ng malakas na agos ng tubig, kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa kaniyang ina.

Ang ginang naman ang siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad upang hanapin ang kanyang anak.

Kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad at nang matagpuan ang biktima ay kaagad itong isinugod sa Tondo Medical Center ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.