December 27, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng 4.7-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 4.7-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon, Hulyo 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:23 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 22 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.