September 17, 2024

Home SHOWBIZ

Kathryn Bernardo, natuklasang may dimple si Dominic Roque

Kathryn Bernardo, natuklasang may dimple si Dominic Roque
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Nagbahagi si Outstanding Asian Star Kathry Bernardo ng mga larawan ng aktor na si Dominic Roque sa kaniyang Instagram story nitong Linggo, Hulyo 21. 

Sa naturang Instagram story, makikita ang isa umanong fact tungkol kay Dominic na nagdiriwang ng kaarawan sa parehong petsang nabanggit sa itaas.

"Birthday boi ," saad Kathryn sa kanyang caption.

Dagdag pa niya sa isang Instagram story: “Fresh ni birthday boy.. Fact: I just found out last month that he has a dimple. Hahaha."

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Matatandaang kamakailan lang ay inintriga ng mga netizen sina Dominic at Kathryn matapos silang maispatang magkasamang nagji-gym.

Pero tinuldukan agad ni Dominic sa isang panayam ang isyu tungkol sa kanila ni Kathryn para linawing magkaibigan lang silang dalawa.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, naniningalang-pugad kay Kathryn Bernardo?