September 06, 2024

Home SHOWBIZ Events

Herlene Budol, nadapa habang umaawra at rumarampa sa GMA Gala

Herlene Budol, nadapa habang umaawra at rumarampa sa GMA Gala
Photo courtesy: Herlene Budol (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang pagkadapa ng beauty queen-Sparkle artist na si Herlene Budol habang rumarampa sa naganap na GMA Gala 2024 sa Marriott Manila Hotel sa Pasay City.

Kitang-kita sa mga nag-leak na video na habang naglalakad siya sa stage ay bigla siyang napabuwal sa harapan pa mismo ng lahat.

Hinala ng lahat ay natapakan niya ang laylayan ng kaniyang suot na gown na isang couture masterpiece ni Leo Almodal, na tinawag na "Birth of Venus" na inspired sa Italian artist na si Sandro Botticelli noong 1480s; partida, nakayapak pa siya nang rumampa.

Sa mga sumunod na clips ay makikitang tuloy-tuloy pa rin si Herlene at natapos naman niya ang pagrampa na hindi siya duguan at poise pa rin.

Events

'BINI Lady:' Blooms, ticket sa concert ni Martin Nievera ang nabili

Mukhang okay naman si Herlene matapos ang insidente at nakapag-post pa nga tungkol sa nangyari.

"Sa buhay kapag na dapa ka, Bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya.

#GMAGala2024 ," aniya.

Dagdag pa niya, "Di ko kinahiya pag ka dapa ko sa event, Ang mahalaga indi ako nasaktan. Thank u lord."