May 21, 2026

Home BALITA Politics

Pambababoy ng Konstitusyon? CJ Hirro, binatikos Tingog party-list

Pambababoy ng Konstitusyon? CJ Hirro, binatikos Tingog party-list
Photo courtesy: Peanut Gallery Media Network (FB)/via MB File Photo

Naglabas ng matinding pahayag ang political commentator at social media personality na si CJ Hirro laban sa Tingog party-list kaugnay ng representasyon nito sa House of Representatives.

Sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Mayo 17, kinuwestiyon ni Hirro ang umano’y koneksiyon ng mga kinatawan ng Tingog party-list sa pamilya ni Leyte 1st District Rep, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Hirro, si Rep. Jude Acidre ng nabanggit na partido ay dating chief of staff ni Rep. Yedda Romualdez, na asawa ni Romualdez.

Binanggit din niya na kabilang umano sa kasalukuyang kinatawan ng Tingog Party-list ang anak ni Martin Romualdez, ang asawa nito, at dating chief of staff ng asawa ng House Speaker.

Ayon kay Hirro, ito raw ay tila "pambababoy" sa Saligang-Batas.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Hinamon din niya ang publiko at mga tagasuporta ng party-list na ipaliwanag umano kung bakit kinakailangan pa ng bansa ang Tingog party-list.

"Si Jude Acidre ay dating chief of staff ni Yedda Romualdez. So ang Tingog Partylist representatives sa Kongreso ngayon ay anak ni Martin Romualdez, asawa ni Martin Romualdez, at dating chief-of-staff ng asawa ni Martin Romualdez. Hindi ba naman pambababoy ng Konstitusyon 'yan?"

“Paki-explain bakit kailangan ng bansa ang Tingog Party-list,” dagdag niya.

Photo courtesy: Screenshot from CJ Hirro (FB)

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon online ang naturang pahayag. May ilang netizens na sumang-ayon sa naging kritisismo ni Hirro hinggil sa political dynasties at representasyon sa party-list system, habang mayroon ding nagtanggol sa Tingog party-list at sa mga naging programa nito para sa mga mamamayan sa Eastern Visayas.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Tingog party-list kaugnay sa naging banat ni Hirro, na noong Linggo ng gabi, Mayo 10, ay naglabas ng isang video patungkol sa umano'y kinasangkutang anomalya ni Romualdez at iba pa.

Maki-Balita: Romualdez, malaki ang papel sa sistema ng korupsiyon—CJ Hirro