September 07, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Aljur, may sorpresang 'pasabog' sa anniversary nila ni AJ

Aljur, may sorpresang 'pasabog' sa anniversary nila ni AJ

Ibinahagi ng Vivamax star na si AJ Raval ang sorpresang fireworks display sa kaniya ng boyfriend na si Aljur Abrenica, para sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo bilang couple.

Sa kaniyang Instagram story, flinex ni AJ ang "pasabog" sa kaniya ng jowa, na estranged husband ni Kapuso actress Kylie Padilla na umamin na rin kamakailan na in a relationship na.

"Thank you. Happy Anniversary my love," caption dito ni AJ.

Photo courtesy: Screenshot from AJ Raval (IG)
Photo courtesy: Screenshot from AJ Raval (IG)

Matatandaang matapos ang pang-iintriga ay lumantad na nga sa publiko ang dalawa noong 2022 bilang mag-couple.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

MAKI-BALITA: AJ Raval, binati ng 'Happy Father's Day' si Aljur Abrenica