Hindi lalakas ang isang tropical storm na may international name na "Hagupit" sa oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Mayo 8.
Sa latest update ng PAGASA, as of 4:00 PM, huling namataan si "Hagupit" sa layong 1,385 kilometers East of Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin ng 85 kilometers per hour at pagbugsong 105 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sa forecast tract ng PAGASA, inaasahang papasok ng PAR ang tropical storm ngayong Sabado tanghali o gabi, at papangalanan itong "Caloy," ang ikatlong bagyo ngayong 2026.
Samantala, posibeng humina ang bagyo sa Lunes dahil magiging tropical depression na lamang ito o mahinang bagyo. Pagdating naman ng Martes, posible itong maging isa na lamang low pressure area (LPA).
Bukod sa init ng karagatan, isa rin sa sinasabing dahilan ng PAGASA kung bakit hindi na lalakas ang bagyo ay dahil sa tinatawag na vertical windshield o ang pag-iiba ng direksyon ng hangin sa iba't ibang antas ng atmosphere.