Ibinida ng Vivamax star na si AJ Raval ang kaniyang boyfriend na si Aljur Abrenica sa kaniyang "Happy Father's Day" greetings.

Makikita sa My Story ng Facebook account ni AJ ang larawan nila ni Aljur na may caption ng kaniyang pagbati.

Sa isa pang larawan, makikita naman ang pagbati niya kina Aljur, sa tatay na si Jeric Raval, at sa isa pang lalaking mahihinuhang kaanak niya.

Well, technically ay tatay naman talaga si Aljur dahil sa mga anak nila ng estranged wife na si Kylie Padilla, na sina Alas at Axl.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Pero sa kanilang dalawa ni AJ, itinanggi na ng aktres noon ang tsikang buntis siya sa anak nila ni Aljur kaya medyo nag-lie low siya sa paggawa ng pelikula.

MAKI-BALITA: AJ Raval, itinanggi ang tsismis na buntis siya; ibinalandra ang tiyan