September 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pag-retouch ng batang babae sa side mirror ng sasakyan, kinaaliwan!

Pag-retouch ng batang babae sa side mirror ng sasakyan, kinaaliwan!
Courtesy: @acemoralesburiel/TikTok

Viral sa social media ang TikTok post ng isang netizen tampok ang paghihintay niya sa isang batang babae na naglalagay ng mascara sa side mirror ng kaniyang sasakyan.

Makikita sa TikTok video ni Engr. Ace Buriel ang batang babae na naka-focus sa paglalagay ng mascara habang matiyaga niya itong hinihintay na matapos para makaalis na siya sa gasoline station.

Sa ulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ni Ace na papunta siya sa kaniyang trabaho nang huminto muna siya para magpa-gas. Doon ay nakita raw niya ang babaeng nagngangalang Jansel na naglalakad papalapit sa kaniyang sasakyan.

Noong una ay akala raw ni Ace na manlilimos ito, pero nagulat siya nang maglabas ito ng mascara para mag-retouch habang ginawang salamin ang side mirror ng sasakyan niya.

Human-Interest

Mga asteroid na bumabagsak sa mundo, pahiwatig ng suwerte o malas?

Habang isinusulat ito’y umabot na sa mahigit 4.6 million views at 515,000 likes ang naturang post ni Ace.

“Thanks for letting her be herself and allowing her to feel beautiful without feeling humiliated. Lots of love,” komento naman ng isang netizen.

Samantala, matapos mag-viral ng video ay binalikan daw ni Ace si Jansel upang ipakita ang video at sinabing babalikan niya ito upang bigyan ng tulong.