September 16, 2024

Home SHOWBIZ

Netizens, kinabahan sa B&W photo ni Gary V

Netizens, kinabahan sa B&W photo ni Gary V
Photo courtesy: Gary Valenciano (FB)

Ninerbyos ang mga netizen sa promotional photo ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa kaniyang upcoming concert na "Inspired."

Paano ba naman kasi, naka-black and white ito, kaya naman binasang maigi ng mga netizen kung anong mga detalye ang nakalagay.

Kapag kasi naka-B&W ang isang larawan, kadalasang anunsyo ito ng pagkamatay ng isang celebrity.

Kaya naman, gustong talakan ng mga netizen ang gumawa ng pubmat dahil ang dami-dami naman daw kulay, bakit kailangang black and white pa.

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nakakaloka akala ko kung napano na si Sir Gary..."

"Buti na lang binasa ko kagad haha."

"Muntik ko na ma-share na RIP Gary V grabe... bakit naman kasi black and white."

"Bat ganyan naman kasi kulay sir Gary. Kinabahan ako ng bahagya."

In fairness, mukhang nakarating naman sa kaalaman ni Gary V ang kaba ng mga netizen, kaya sa isa pang labas ng pubmat ay hindi na ito black and white.

Kinalma rin ni Gary ang mga netizen at sinabing okay na okay siya, at magkita-kita sila sa concert niya.

"HAHAHHAHA ok everyone…chill. I know you all got scared…but I’m very much alive and very much excited for these two nights of full inspiration. I’ll see you there k?" aniya.

Photo courtesy: Gary Valenciano (FB)