September 06, 2024

Home SHOWBIZ

Gary V, nag-react sa nerbyos ng mga netizen sa B&W photo niya

Gary V, nag-react sa nerbyos ng mga netizen sa B&W photo niya
Photo courtesy: Gary Valenciano (FB)

Nagsalita na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano tungkol sa pinag-usapang black and white na promotional material niya para sa upcoming concert na Gary V: Inspired" sa Agosto.

Kinabahan kasi ang mga netizen sa larawang naka-black and white, kaya akala nila, may nangyari nang masama sa singer-performer.

Kapag kasi naka-B&W ang isang larawan, kadalasang anunsyo ito ng pagkamatay ng isang celebrity.

Kaya naman, gustong talakan ng mga netizen ang gumawa ng pubmat dahil ang dami-dami naman daw kulay, bakit kailangang black and white pa.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nakakaloka akala ko kung napano na si Sir Gary..."

"Buti na lang binasa ko kagad haha."

"Muntik ko na ma-share na RIP Gary V grabe... bakit naman kasi black and white."

"Bat ganyan naman kasi kulay sir Gary. Kinabahan ako ng bahagya."

MAKI-BALITA: Netizens, kinabahan sa B&W photo ni Gary V

In fairness, mukhang nakarating naman sa kaalaman ni Gary V ang kaba ng mga netizen, kaya sa isa pang labas ng pubmat ay hindi na ito black and white.

Kinalma rin ni Gary ang mga netizen at sinabing okay na okay siya, at magkita-kita sila sa concert niya.

"HAHAHHAHA ok everyone…chill. I know you all got scared…but I’m very much alive and very much excited for these two nights of full inspiration. I’ll see you there k?" aniya.