September 20, 2024

Home BALITA National

Davaoeño, wagi ng ₱157M sa Super Lotto!

Davaoeño, wagi ng ₱157M sa Super Lotto!
(unsplash)

Napanalunan ng lone bettor mula sa Davao del Sur ang mahigit ₱157 milyon jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 18.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), umabot sa ₱157,395,155.60 ang total jackpot prize na napanalunan ng Davaoeño.

Matapos nitong mahulaan ang winning numbers na 41-33-31-24-37-49.

Dagdag pa ng PCSO, nabili ang winning ticket sa Suyo, Thelma T. Rizal Ave., Digos City, Davao del Sur.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kung taga-Davao del Sur ka at ikaw ang lucky winner, magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprinsinta ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs.

Ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.