November 23, 2024

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.1 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:29 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 47 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 11 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

Kanina lamang 1:39 ng hapon, niyanig din ng magnitude 4.6 na lindol ang Surigao del Sur kung saan namataan ang epicenter nito 57 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol