December 23, 2024

Home SHOWBIZ

John Estrada, huminga-hinga lang sa Boracay

John Estrada, huminga-hinga lang sa Boracay
Photo courtesy: John Estrada (IG)

Nilinaw ng "FPJ's Batang Quiapo" star na si John Estrada na kaya siya nagpunta sa Boracay ay para huminga-hinga lang mula sa kaniyang trabaho, sa kabila ng mga intrigang ipinupukol patungkol sa relasyon nila ng misis na si Priscilla Meirelles.

Pinabulaanan din ni John ang tsikang may "bagong babae" umano siya na kasama niya sa Boracay, na nagngangalang "Lily Hallman."

Wala umano siyang ibang karelasyon.

"Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now... I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt need for a breather..." giit ni John sa kaniyang Instagram story nitong Martes, Hulyo 16.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Lumutang ang pangalan ni Lily Hallman nang pangalanan at i-tag mismo ito ni Priscilla sa Instagram post ni John.

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Samantala, sa kaniyang Instagram story ay nagbigay naman ng reaksiyon si Priscilla sa naunang public statement ng mister na "mutual agreement" ang kanilang pansamantalang hiwalayan.

"I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada's recent public statement. To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time..." aniya pa.

MAKI-BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila