October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Julia Montes, natakot sa mga co-star niya sa 'Saving Grace'

Julia Montes, natakot sa mga co-star niya sa 'Saving Grace'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT), MJ Felipe (FB)

Inamin ni Kapamilya actress Julia Montes na nakaramdam daw siya ng takot nang malaman niya kung sino-sino ang makakatrabaho niya sa Philippine adaptation ng "Mother" na may pamagat na "Saving Grace.”

Sa latest episode ng “On Cue” nitong Lunes, Hulyo 15, sinabi ni Julia ang dahilan kung bakit siya natakot sa kaniyang mga co-star.

“Natakot ako kasi lahat naman po ng ibinibigay sa aking roles parang lagi akong napapaisip: ‘Kaya ko ba?’ ‘Yon ‘yong lagi kong question," saad ni Julia.

Pero dagdag niya: "No’ng nakausap ko nga si Sir Deo [Endrinal], ‘yon nga sabi niya: ‘Gawin mo ‘to. It’s for you. Naano na ako do’n, ‘okay po.'"

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Sa puntong ito ng panayam, hindi napigilan ni Julia na maging emosyunal. Matatandaan kasing namayapa na noong Pebrero si Deo na isa sa mga nagtitiwala sa kaniya bilang artista.

Samantala, ipinakilala na nitong Hulyo 16 ang mga makakasama ni Julia sa naturang series na sina Sam Milby, Janice De Belen, Jennica Garcia, Christian Bables, at Megastar Sharon Cuneta.

MAKI-BALITA: Julia Montes, 'Mother' na