October 07, 2024

Home SHOWBIZ

Boy Abunda, nagkomento sa pasigaw na pagho-host ni Alden Richards

Boy Abunda, nagkomento sa pasigaw na pagho-host ni Alden Richards
Photo Courtesy: Boy Abunda, Alden Richards (FB)

Nagbigay ng komento si Asia’s King of Talk Boy Abunda hinggil sa pasigaw na paraan ng pagho-host ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards noong nakaraang Miss Universe Philippines.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Martes, Hulyo 16, sinabi ni Boy ang posibleng dahilan kung bakit umano sumisigaw si Alden bilang host sa naturang pageant.

Ayon kay Boy: “Alam n'yo yung criticisms kay Alden na sumisigaw, bumababa, napakahirap no'n kasi when you're on stage, hindi mo talaga naririnig. Lalo na kapag ang monitors are not properly placed on stage. Sisigaw ka talaga.”

“Plus, mayroon kang notion na that's the way they do it. 'Ladies and gentlemen, the top 20… Vietnam!' 'Di ba, may notion ka. Even as a viewer may peg ka kung paano nila ginagawa 'yun, plus hindi nila naririnig,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Dagdag pa ni Boy, hindi pa raw niya natuturuan si Alden kung paano mag-host pero alam naman daw niyang willing matuto ang aktor.

Matatandaang kasama sa mga napag-usapan noong Miss Universe Philippines ang estilo ng pagho-host ni Alden.

MAKI-BALITA: 'Live show eh!' Mga agaw-eksena at 'bloopers' sa coronation night ng MUPH 2024