September 08, 2024

Home SHOWBIZ

Angelica Panganiban, sumailalim na sa hip surgery

Angelica Panganiban, sumailalim na sa hip surgery
Photo Courtesy: Screenshots from Angelica Panganiban (YT)

Sumailalim na sa operasyon ang aktres na si Angelica Panganiban para sa kaniyang bone disease na avascular necrosis o "bone death."

Sa latest episode ng vlog ni Angelica kamakailan, itinampok niya ang journey bago at pagkatapos ng nasabing operasyon.

“Hi guys! It’s been a week since we had our Surgery journey! We feel a bit anxious about it but yeah through prayers from our families and friends nalagpasan namin!” saad ni Angelica.

Dagdag pa ng aktres:”I’d also like to acknowledge my very good husband na grabe ang pag aalaga! Thanks hon, alam mo na yun. First time na pareho kaming wala ni Gregg. We missed our Baby Amila.”

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi

Sa isang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Angelica ang kaniyang nararamdaman bago sumalang sa operasyon. Ayon sa kaniya, mas nangingibabaw umano ang excitement kaysa kaba dahil matagal na niyang gustong mawala ang nararamdamang chronic pain sa loob ng dalawang taon.

Tumagal nang pitong oras ang nasabing operasyon. Bagama’t aminado si Angelica na masakit at nanghihina siya dahil sa ginawang procedure, nakaramdaman naman siya ng ginhawa sa balakang.

“Hopefully maka-recover kaagad pero three weeks akong ibe- bedrest. So, tingnan natin,” aniya.

Matatandaang inanunsiyo ng aktres ang kaniyang kondisyon sa pamamagitan din ng isang vlog noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Angelica Panganiban may avascular necrosis o 'bone death'