November 23, 2024

Home BALITA National

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd
Sen. Sonny Angara at VP Sara Duterte (DepEd)

Ilang araw bago niya simulang pamunuan ang Department of Education (DepEd), ipinahayag ni Senador Sonny Angara na plano niyang humingi ng payo kay Vice President Sara Duterte hinggil sa pagiging kalihim nito ng ahensya sa nakalipas na dalawang taon.

Sa isang panayam ng DZBB nitong Linggo, Hulyo 14, ibinahagi ni Angara na nakatakdang i-turnover sa kaniya ni Duterte ang DepEd sa darating na Huwebes, Hulyo 18, 2024.

“Yung pag-assume siguro sa next, sa sunod na araw. At kailangan natin mag-oath din,” dagdag ni Angara.

MAKI-BALITA: Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

Kaugnay nito, sinabi ng senador at incoming DepEd chief na kung magkaroon ng tsansa ay hihingi raw siya ng payo kay Duterte hinggil sa dalawang taong naging pamumuno nito sa ahensya.

“Kung may chance, hihingi rin ako ng advice ng ating Vice President dito sa kaniyang karanasan sa nakaraang dalawang taon niya bilang pinuno o kalihim ng kagawaran ng education,” saad ni Angara.

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Noon namang Hulyo 2, 2024 nang ihayag ng pamahalaan ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Angara sa pwesto.

MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa mga naging kasamahan sa DepEd: 'Mami-miss ko kayo'