April 12, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.2 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Batanes nitong Linggo ng hapon, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:19 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 68 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Sabtang, Batanes, na may lalim na 21 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

62% ng mga Pinoy, naniniwalang mahalagang harapin ni FPRRD kaso sa ICC

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.