GHOST PROJECT
GHOST BILL
Naglabas ng sentimyento ang isang netizen tungkol sa napakalaking bill ng kuryente sa bahay ng ninong niya na mahigit isang dekada nang pumanaw.
Sa isang Facebook post ng netizen kamakailan, ibinahagi niya ang larawan ng electric bill ng ninong niya na umabot sa ₱2,207.85.
Kaya sabi niya, “Meralco, mahigit 10 yrs nang patay ang may-ari ng bahay; wala na ho appliances sa loob ng bahay; wala na rin nagamit na kuryente.”
“Huni nalaang ng tuko at tiktik ng butiki ang maririnig abay bakit naman nag karoon pa ng charge aba ay talagang tinatanga nyo na ata kami!!!” dugtong pa ng netizen.
Ayon sa kaniya, wala rin naman umanong jumper at hindi rin naikot ang kuntador kaya wala raw talagang pumapasok na kuryente sa loob ng bahay ng ninong niya.
Sa pakikipag-ugnayan ng Balita sa nasabing netizen, sinabi niyang unang beses umano itong nangyari.
"Kaya sobra po kami nagulat since 2017 wala na po kasi nakatira," aniya.
Posible umanong wrong reading lang ang nangyari at iniimbestigahan na raw ito ng Meralco.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Napakalupet talaga nila mag magic hahaha"
"Hinulaan nalang ata haha"
"Panalo ang plot twist "
"Hahahaha..seryoso ako ngbabasa e.. Bglang tawa dahil nadamay PA toloy and Tuko at butiki at tiktik"
"Eto na ata ang tatalo sa lahat ng Meralco Horror story ngayon buang hahahahaha tawang tawa ako lol"
"Wala ho atang magawa si ninong. Pinaikot ho magisa ang kuntador. Galeng hane #Meralco"
Samantala, sinubukan naman ng Balita na kunin ang panig ng Meralco ngunit hindi pa sila tumutugon.