November 23, 2024

Home BALITA National

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Hulyo 14, na posibleng maging bagyo ang binabantayan nitong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ni Weather Specialist Daniel James Villamil na huling namataan ang naturang LPA 885 kilometro ang layo sa kanluran ng Central Luzon.

Mataas daw ang tsansang maging bagyo ang PAR sa loob ng 24 oras, ngunit wala naman itong inaasahang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.

“Sa mga susunod na araw magpapatuloy ang generally northwestward na paggalaw nito patungo sa bansang Vietnam,” ani Villamil.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Bukod dito, mayroon ding binabantayan ang PAGASA na kumpol ng kaulapan o cloud clusters sa silangang bahagi ng Mindanao, kung saan posible raw itong mabuo bilang LPA sa mga susunod na araw at posibleng magdulot ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, sa kasalukuyan ay ang southwest monsoon o habagat ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang Mindanao, Western Visayas, Central Visayas, Palawan, at Occidental Mindoro.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, mga natitirang bahagi ng MIMAROPA, Batangas, Cavite, Laguna, at Bataan.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din ang posibleng maranasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman ng localized thunderstorms.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.