September 13, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kasalang Zeinab-Ray Parks, next year na!

Kasalang Zeinab-Ray Parks, next year na!
Photo Courtesy: Zeinab Harake (FB)

Nagbigay ng ilang detalye ang social media personality na si Zeinab Harake tungkol sa magiging kasal nila ng fiancé niyang si Bobby Ray Parks, Jr.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Sabado, Hulyo 13, isiniwalat ni Zeinab na sa susunod na taon nila balak humarap sa altar.

“Actually, hind naman kaya within the year kasi ang dami rin kailangang focus-an. Next year talaga, sure yun next year. Next year na ang kasalan,” saad ni Zeinab.

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang pinapangarap niyang kasal nang tanungin siya hinggil sa bagay na ito.

Relasyon at Hiwalayan

Dominic sa mga umiintriga sa pictures nila ni Kathryn: 'Mga toxic sa socmed!'

“Ang dream wedding ko is kung gaano naging kabongga ang proposal, ayaw ko naman ng gano’n kabongga,” aniya.

Dagdag pa niya: “Gusto ko ‘yong mararamdaman ‘yong pagiging intimate ng love, ‘yon ang mas mangingibabaw kaysa ‘yong dami ng tao, so mamimili talaga ako. Kung sino lang ‘yong nasa tao sa buhay ko, ‘yon lang ang invited, simple lang.”

Katwiran ni Zeinab, kaysa gumastos nang malaki sa kasal, ilalaan na lang umano nila ang pera sa itatayo nilang dream house ni Ray.

Matatandaang inanunsiyo nila ang kanilang engagement kamakailan sa pamamagitan ng isang social media post.