November 23, 2024

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:27 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 402 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 35 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital