September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rendon, walang pinagsisihan matapos ideklarang persona non grata

Rendon, walang pinagsisihan matapos ideklarang persona non grata
Photo Courtesy: Rendon Labador (Facebook)

Inamin ng social media personality na si Rendon Labador na hindi raw niya pinagsisisihan ang nangyaring isyu kamakailan sa probinsya ng Palawan.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, sinabi ni Rendon na kinuha na lang daw niya sa nakaraang nangyari ang mga aral na pwede nilang matutuhan.

“Kasi tingin ko naman ‘yong nangyari sa amin do’n, experience namin as a team, na parang mas lalong lumakas ang samahan namin, mas nabuo ‘yong pamilya namin,” pahayag ni Rendon.

“Marami kasing challenges, e. So, ‘yon din ang gusto kong message na ‘wag kayong matakot magkamali. Basta be accountable.Tapos kunin mo na lang ‘yong mga matutuhan mo moving forward,” wika niya. 

Tsika at Intriga

Epekto ng robbery incident sa London: Catriona, tensyonado na 'pag nasa labas

Dagdag pa niya: “Kasi tao lang tayo, e. May emotions ka, e. Kung lagi kang magsisisi sa bawat pagkakamali mo, ‘di mo mabi-build kung sino ka ngayon, e.”

Pero taliwas sa pananaw ng kagrupo niyang si Rosmar Tan, pinagsisihan daw nito ang nangyari sa kanila sa naturang probinsya.

“Pinagsisisihan ko po talaga. Nadala lang din po ako ng pagod, puyat,” aniya.

Matatandaang idineklarang persona non-grata sina Rendon sa buong Palawan matapos mangyari ang mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan