May 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mariel, pasimpleng dinepensahan si Sen. Robin?

Mariel, pasimpleng dinepensahan si Sen. Robin?
Photo Courtesy: Mariel Padilla (FB)

Tila ipinagtanggol ng TV host na si Mariel Rodriguez mula sa pamumutakti ang mister niyang si Sen. Robin Padilla.

Sa isang Instagram story kasi ni Mariel nitong Biyernes, Mayo 15, ibinahagi niya ang isang makahulugang post ng Fact By Gooogle.

Makikita sa post ang ilustrasyon ng isang lalaking mahilig magturo kung sino ang masamang tao habang nakatago ang mga kasalanan niya. 

"That person is bad," sabi ng lalaki na bagama't litaw ang mga mabubuting gawi ay nasa ilalim naman ang mga itinatagong baho sa sarili.

Habang ang isang lalaki naman na itinuturong masamang tao ay litaw ang mga kasalanan ngunit nakakubli ang mga mabubuting nagawa.

Tsika at Intriga

Chelsea Fernandez, nawalan ng ₱100K sa isang ride hailing app

Nahaharap sa kontrobersiya si Sen. Robin matapos ang kaguluhang sumiklab sa Senado noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, dahil sa umano’y tangkang pag-aresto sa kabaro niyang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa katunayan, itinuturing na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Robin bilang person of interes sa pagtakas ng kapuwa niya senador.

Maki-Balita: Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI

Samantala, matatandaang bago pa man magkaroon ng gulo sa Mataas na Kapulungan, nakaalitan ni Sen. Robin si Sen. Kiko Pangilinan dahil sa pagtataas umano nito ng boses.

 Maki-Balita: Sinigawan daw! Sen. Robin, tumangging makipagkamay kay Sen. Kiko