October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Regine Tolentino, kinuyog ng tanong tungkol sa citizenship dahil kay Shay Mitchell

Regine Tolentino, kinuyog ng tanong tungkol sa citizenship dahil kay Shay Mitchell
Photo courtesy: Regine Tolentino (IG)

Ibinuking ng actress-dancer na si Regine Tolentino na mag-second cousin sila ng Hollywood actress na si Shay Mitchell.

Sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 11, ibinahagi ni Regine ang lumang larawan nila ni Shay nang magtungo raw ang huli sa Maynila kasama ang ina.

"With my gorgeous cousin @shaymitchell "

"Fun fact: this pic was taken during her trip to Manila with her mom. We are second cousins ," caption ni Regine.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Sa comment section ay kinuyog naman ng mga tanong si Regine patungkol sa kaniyang citizenship. Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagtatwa raw ni Shay na isa siyang half-Pinay, matapos niyang sabihin sa kaniyang show na isang Spanish ang kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Maureen Wroblewitz, nagpasaring kay Shay Mitchell matapos itatwa dugong Pinoy

"You can't be cousins. 'Cause she's Spanish," saad ng isang netizen.

Tugon naman dito ni Regine, " haha IKR "

Photo courtesy: Regine Tolentino (IG)

"hahahahahahahaha the shade lol," reaksiyon naman dito ng isa pang netizen.

Dahil dito, kinukuwestyon tuloy ng mga netizen kung may dugong Spanish din ba ang actress-dancer.

"You’re Spanish too? Hehehe"

"So Spanish din po kayo kung second cousin n'yo siya?"

"You must be Spanish Ms.Reg!"

"Haha. Totoo po ba yung pag deny niya sa pagiging half pinay niya?"

Samantala, hindi na tumugon pa si Reg sa iba pang mga tanong ng netizens.