May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maureen Wroblewitz, nagpasaring kay Shay Mitchell matapos itatwa dugong Pinoy

Maureen Wroblewitz, nagpasaring kay Shay Mitchell matapos itatwa dugong Pinoy

Usap-usapan ang tila pagpapatutsada ni Asia's Next Top Model Cycle 5 grand winner Maureen Wroblewitz sa Hollywood actress na si Shay Mitchell matapos ang umano'y pagtanggi nitong may lahing Pilipino siya.

Sey kasi ni Shay sa sariling show na, ang tatay niya ay Irish at ang nanay naman niya ay Spanish, samantalang ang totoo, isang pure-blooded Filipina ang kaniyang inang si Precious Garcia. Kaanak din niya si Broadway Diva at Filipino pride na si Lea Salonga.

Binatikos ng mga netizen, lalo na ng mga Pinoy, ang ginawang pag-deny ni Shay na may lahing Pinoy siya.

Ibinahagi ng ex-girlfriend ng singer-actor na si JK Labajo ang episode ng travel show ni Shay, kung saan mapapanood ang pagtatatwa niya sa kaniyang pinagmulang lahi bilang isang half-Filipina.

Si Maureen ay isang half-German, half-Filipina.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“I am watching Thirst With Shay Mitchell and she just said that her father is Irish and her mother is Spanish? Girl, I thought you were a Filipino! What?” saad ni Maureen.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Honestly, who is Shay Mitchell?"

"and the fact that's her Aunt is Lea Salonga"

"Kawawa naman nanay nya parang kinakahiya nya"

"She is a Filipino when it benefits her... just like Vanessa Hudgens.. ‍"

"It's okay if she did not accept who she is, we Filipino people we don’t care!! Hindi naman ikakaunlad ng Pilipinas if she deny her rootswho cares naah, I don’t know her pala!!sino ba yan Shay Mitchell."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Shay o maging si Lea Salonga kaugnay sa isyu.