September 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'

Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'
Photo Courtesy: Lotlot De Leon, Janine Gutierrez (IG)

Naintriga rin ang ina ni “Lavender Fields” star Janine Gutierrez na si Lotlot De Leon kung sino ang kasamang gumala ng kaniyang anak sa National Museum.

Kumakalat kasi ngayon ang mga larawan ni Janine sa museum kasama ang co-star niya sa naturang up-coming series ng ABS-CBN na si Jericho Rosales.

Pero sa latest Instagram post ni Janine nitong Biyernes, Hulyo 12, makikita na wala siyang kasama sa mga ibinahagi niyang picture at video.

“Current camera roll ” saad ni Janine sa caption.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Sey naman ng ina niyang si Lotlot: “Ah excuse me po.. Sino po kasama mo nag punta dyan? Hmmmm… ”

Hindi rin tuloy napigilan ng mga netizen na magbigay din ng kani-kanilang reaksiyon sa tanong na ito ni Lotlot. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"@ms.lotlotdeleon c echo po @jerichorosalesofficial"

"@ms.lotlotdeleon pakisagot po, Nini.. @janinegutierrez"

"@ms.lotlotdeleon nakita namin sino kasama may video sila together. "

"@ms.lotlotdeleon please answer @jerichorosalesofficial "

"@ms.lotlotdeleon ang poging si @jerichorosalesofficial"

Matatandaang kamakailan lang ay lumutang din sa iba’t ibang social media platform ang isang malabong video clip kung saan matutunghayan ang sweet moments nina Janine at Jericho.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, Jericho Rosales naispatang nagtukaan

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang dalawang panig tungkol sa mga nagsusulputang intriga at tsika.