September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Joshua, humugot sa past nila ni Julia para sa bago nilang pelikula

Joshua, humugot sa past nila ni Julia para sa bago nilang pelikula
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Star Cinema (YT)

Ibinahagi ni Kapamilya star Joshua Garcia ang naging proseso niya sa pag-arte para sa pagbabalik-tambalan nila ng ex-jowa niyang si Julia Barretto para sa “Un/Happy For You.”

Sa ginanap na media conference ng naturang pelikula kamakailan, sinabi niya na hindi raw niya maiwasang humugot sa nakaraan nila ni Julia.

Ayon kay Joshua: “Hindi maiwasang humugot sa past. But I think, bilang aktor, nasa sa ‘yo na rin ‘yon kung paano mo siya babawasan ‘yong nararamdaman mo.”

“Just to protect yourself lang din do’n sa pain na naramdaman mo…Parang gano’n,” wika pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Samantala, nang si Julia naman ang tanungin, sinabi niya na ayaw niyang i-spoil masyado ang naging proseso nila ng pag-arte ni Joshua.

“Kasi it’s such an intimate one na kami lang talaga ang magkakaintindihan habang ginagawa namin ‘to. But siguro ginawa naming inspiration was lalo ‘yong happy memories namin,” aniya.

Matatandaang sa isang panayam noong Abril ay inamin ni Joshua na hindi raw niya kayang bumalik sa pagpepelikula nang hindi kasama si Julia.

MAKI-BALITA: Joshua Garcia, 'di kayang bumalik sa pelikula nang wala si Julia Barretto

MAKI-BALITA: JoshLia, may ginawa ulit together matapos ang break-up