Inamin ng Kapamilya star na si Joshua Garcia na hindi raw niya kayang bumalik sa pagpepelikula nang hindi kasama ang dating ka-love team at ex-jowang si Julia Barretto.

Sa latest episode kasi ng “On Cue” noong Miyerkules, Abril 24, inusisa ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sina Joshua at Julia kung sumagi ba sa isip nila ang pagbabalik-tambalan.

“Ako, alam kong mangyayari ‘to. Pero may tamang panahon, may tamang story. Kasi sabi ko, ‘di ako babalik sa movie nang ‘di kita [Julia] kasama,” lahad ni Joshua.

“Talaga? Bakit?” tanong naman ni Julia.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

“‘Di ko kayang mag-isa, e,” natatawang sagot ng aktor.

Matatandaang nagkahiwalay sina Julia at Joshua noong 2019. Pero maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa pagkatapos ng breakup.

In fact, sa isang panayam ay pinayuhan pa raw ni Julia si Joshua na huwag munang mag-jowa dahil bata pa raw ito at mahusay na aktor.

MAKI-BALITA: Julia Barretto, pinagbawalang mag-jowa ang ex na si Joshua Garcia

Samantala, bago pa man ang kanilang movie comeback na “Unhappy For You,” nauna nang magbalik-tambalan sina Joshua at Julia sa music video ng kantang “Paubaya” ni Moira noong 2021