October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea, hindi intensyong ibuking na si Dominic ang nakipaghiwalay sa kaniya

Bea, hindi intensyong ibuking na si Dominic ang nakipaghiwalay sa kaniya
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Inamin ni “Widows’ War” star Bea Alonzo na hindi raw niya sinadyang ibuking na ang ex-fiance niyang si Dominic Roque ang nakipaghiwalay sa kaniya.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hulyo 11, nilinaw ni Bea ang tungkol sa hindi niya nagtutugmang pahayag sa breakup nila ni Dominic nang kapanayamin siya sa GMA Integrated News at sa isang lifestyle magazine.

“Tito Boy, not that I owe anyone an explanation, I really don't want to talk about this anymore. But to answer your question, baka nga may mga nalilito, during that time that I did Tatler, that was like a month ago. Kasi po bago po sila makapag-release ng July issue, medyo matagal na. That was the only time I kind of talked about it because I was asked," lahad ni Bea.

"Then, during '24 Oras,' I didn't have the intention to talk about it because nga I really wanted to give respect to the relationship that was," wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

MAKI-BALITA: Pasabog ni Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: ‘Hindi ako ang nakipag-break!’

Pagpapatuloy pa ng aktres: "And then I was so comfortable talking to him [Nelson Canlas] as if walang camera sa harapan, and then he went like, sabi niya, 'Siyempre ikaw 'yung nakipag-break. Hindi nila alam mahirap din sa 'yo.' And parang it was like an instinct na I had to correct him. But I didn't have any intention to really talk about it."

Gayunman, bagama’t si Dominic umano ang nag-initiate, nilinaw ni Bea na naging mutual decision din naman ang kanilang breakup kalaunan.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, hindi kinumpirma ni Dominic o maski pinabulaanan ang naturang pahayag ni Bea.

MAKI-BALITA: Dominic, ayaw nang dagdagan detalye ng breakup nila ni Bea

Matatandaang Pebrero nang basagin ng dalawa ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque