Isiniwalat ng Kapuso star na si Bea Alonzo kung sino talaga ang totoong nakipaghiwalay sa kanila ng ex-fiancé niyang si Dominic Roque.

Sa panayam ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas nitong Huwebes, Hunyo 13, nilinaw ni Bea ang akala ng marami na siya umano ang nakipag-break kay Dominic.

“People forget, ‘no, na ikaw ‘yong nakipag-break, e. Ikaw ‘yong naapektuhan, e,” pahayag ni Nelson.

Pero salag naman ni Bea: “Actually, that’s false. Hindi, hindi ako ang nakipag-break. [...] Pero huwag na nating pag-usapan ‘yon. Let's leave it in the past. It's amicable. Okay naman kami."

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

"It would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it,” wika niya.

Dagdag pa ng Kapuso star: “It's a very sensitive topic and gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had."

Samantala, sa unang bahagi ng panayam, inamin ni Bea na nasasaktan umano siya sa mga nagsusulputang “false narrative” kaugnay sa relasyon nila ni Dominic simula nang mangyari ang hiwalayan.

“Doon ako naapektuhan kasi maraming nag-spread ng false narrative about my life. When you're going to someone difficult, and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it, and very different from the truth, sobrang sakit niya,” ani Bea.

Matatandaang tuluyang nagsampa ng kaso si Bea noong Mayo laban kina Ogie Diaz, Cristy Fermin, at sa iba pang kasamahang host ng mga ito sa kanilang showbiz-oriented vlog.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz