September 13, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris

Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris
Photo Courtesy: Anthony Jennings, Rico Blanco (IG)

Inunahan na agad ni Kapamilya actress Maris Racal na tuldukan ang posibleng intrigang sumulpot matapos niyang ianunsiyo ang hiwalayan nila ng jowa niyang si Rico Blanco.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Sa ginanap na press conference nitong Biyernes, Hulyo 12, itinanggi ni Maris na may kinalaman ang ka-love team niyang si Anthony Jennings kung bakit nauwi sa breakup ang relasyon niya sa singer-songwriter.

“Anthony is out of the picture. It's just mainly me and Rico. Mainly me, I'm the issue," pag-amin ni Maris.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Matatandaang sa isang bahagi ng panayam ay binanggit ng aktres hindi raw niya alam kung anong nangyari sa kaniya gayong sa loob ng ilang taong pagsasama nila ni Rico ay pareho lang naman daw silang nasa iisang “pahina.”

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

Dagdag pa niya, ito na raw ang huling beses niyang magsasalita tungkol sa breakup nila ng kaniyang ex-jowa. 

Umapela rin siya sa publiko na sana ay unawain at igalang ang kanilang pagdadalamhati.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Rico tungkol sa naturang balita.