Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Oriental nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:39 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 69 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.