October 08, 2024

Home SHOWBIZ Events

Drag Race PH Season 3, mapapanood na sa Agosto

Drag Race PH Season 3, mapapanood na sa Agosto
Courtesy: Drag Race PH/FB

“MABUHEY!”

Magsisimula nang umere ang ikatlong season ng Drag Race Philippines sa Agosto 7, 2024.

Inanunsyo ito ng Drag Race PH nitong Huwebes, Hulyo 11, sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Si Paolo Ballesteros pa rin ang magiging host ng season 3 kung saan 11 queens ang magtatapat-tapat.

Events

Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador

BASAHIN: Paolo Ballesteros, magbabalik bilang host ng Drag Race PH Season 3

Kasama sa cast ang drag queens na sina Angel, J Quinn, John Fedellaga, Khianna, Maxie, Myx Chanel, Popstar Bench, Tita Baby, Versex, Yudip*t*, at Zymba Ding.

Mapapanood ang Drag Race Philippines sa iba’t ibang platforms tulad ng Wow Presents Plus at HBO Go.

“Episode 1 premieres FREE to all WOW Presents Plus users, no active membership required,” anang Drag Race PH organization.

Matatandaang taong 2022 nang umere ang season 1 ng Drag Race Philippines, kung saan si Precious Paula Nicole ang tinanghal na winner.

Samantala, napanood naman ang season 2 ng programa noong 2023, kung saan si Captivating Katkat naman ang nagwagi.