October 07, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, saludo sa kababaihan: 'Ang daming nangyayari sa inyo'

Vice Ganda, saludo sa kababaihan: 'Ang daming nangyayari sa inyo'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Naghayag ng paghanga ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa mga babae dahil sa hirap na pinagdadaanan ng mga ito sa buhay.

Sa segment kasing EXpecially For You nitong Lunes, Hulyo 8, ibinahagi ng searcher na si “Juliane” ang tungkol sa kaniyang Polycystic Ovary Syndrome o PCOS na naging dahilan umano ng hiwalayan nila ng dating jowa niya.

“Grabe rin po kasi ‘yong mood swings ko. ‘Di naman ako like emotional before. Pero sobrang dali ko nang ma-badtrip. Sobrang dali ko nang mapikon. Minsan nga lumuluha na lang ako wala namang dahilan, e,” saad n Juliane. 

“At dahil hindi ‘yan naiintindihan ng partner mo, minamasama niya ang ‘yong mga ikinikilos,” dugtong ni Vice na sinang-ayunan ng ex-jowa ni Julaine.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Kaya ang mungkahi ng Unkabogable star, habaan pa raw sana ang pasensya at pag-unawa sa mga babae dahil hindi ng buhay na hinaharap nila. 

“Imagine mo 'yon, magme-mens sila, magpe-PCOS sila, magbubuntis sila ng siyam na buwan. Ta's after siyam na buwan mayro’n pa silang mga mangyayari sa katawan nilang pagbabago dahil sa kanilang pagbubuntis. [...] Megme-menopause ka pa," wika niya.

Dagdag pa niya: "Grabe, ang katawan ng isang babae sa sobrang nangyayari sa kaniya kaya saludo ako sa kababaihan. Ang daming nangyayari sa inyo. At lahat ng 'yan may epekto hindi lang sa kanilang pisikal kundi sa mental, ha."