October 10, 2024

Home BALITA

Special professional licensure exam para sa social workers, walang pumasa

Special professional licensure exam para sa social workers, walang pumasa

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na walang pumasa sa dalawang examinees ng June 2024 Special Professional Licensure Examination for Social Workers na ginanap noong Hunyo 16, 2024 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates at Singapore.

Photo courtesy: Professional Regulation Commission (PRC)

Sa inilabas na resulta ng PRC nitong araw ng Lunes, Hulyo 8, sa ulat na rin ng GMA News, makikitang nakasaad sa resulta na walang nakapasa sa dalawang board takers sa nabanggit na special professional licensure examination.

Ang opisyal na resulta ay nilagdaan ni Charito Zamora, chairperson ng PRC.

Hindi naman tinukoy kung sino ang dalawang examinees na ito.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'