July 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jed Madela, nagsalita na sa hanash ng dating manager

Jed Madela, nagsalita na sa hanash ng dating manager
Photo Courtesy: Jed Madela, Annie Mercado (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya singer na si Jed Madela sa post ng dati niyang manager na si Annie Mercado dahil sa bagong kantang inilabas niya kamakailan.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN kay Jed pagkatapos ng kaniyang 20th anniversary concert kamakailan, inusisa sa Kapamilya singer ang tungkol sa naturang isyu.

“It’s a family matter, and we’re trying to deal with it privately,” saad ni Jed.

Nang tanungin naman siya kung ang bago niyang kanta na pinamagatang “Wish U the Worst” ay isang diss track, nilinaw ni Jed na hindi raw siya ang nagsulat nito.“I didn’t write the song. It just so happened that it was offered to me, I wanted a new sound. Ni-record ko siya, you have to go with the flow of how things are now. It just so happened na it got caught in the middle,” aniya.

Tsika at Intriga

Xian Gaza todo-takip ng mukha sa airport, pang-asar sa BINI?

Pero sa kabila ng nangyari, nananatili pa rin daw ang pagpapahalaga niya at pagpapasalamat sa dating manager dahil ito naman daw ang naging dahilan kung bakit nagsimula ang career niya.

“I never stopped saying na I am grateful. Sila naman ang nagsimula [ng career ko]. They started my career, Tita Annie brought me to Manila. She helped me get into showbiz, saad ni Jed.

Dagdag pa niya: “It was, we were a team. In time kasi, we all have to grow. Kami, we have different priorities now. Sila they’re focused on WCOPA, ako I’m focused on a new chapter in my life doing something different naman.”

Sa huli, umaasa pa rin daw si Jed na maaayos pa rin ang gusot sa pagitan nila ng tita niya pagdating ng panahon.

MAKI-BALITA: Manager ni Jed Madela, naimbyerna sa bagong kanta ng alaga?