December 23, 2024

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Martes ng hapon, Hulyo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:30 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 435 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 140 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands