September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bimby, willing makipagkita sa amang si James Yap?

Bimby, willing makipagkita sa amang si James Yap?
Photo Courtesy: Screenshots from Erin Diaz and Showbiz Now Na (YT)

Itinatanong daw ng marami kung makikipagkita ba ang anak ni Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby sa ama nitong si James Yap na isang basketball player

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, binuksan ni showbiz columnist Cristy Ferminute ang naturang paksa dahil narito raw ngayon sa Pilipinas si Bimby.

“Nandito po ngayon si Bimby. Hindi nga kinaya ni Kris no’ng una. Siya ‘yong nagplanong umuwi. ‘I cannot, Bimb,’ sabi niya. Kaya na-postpone. Pero noong nakaraang lingoo, dumating siya,” saad ni Cristy.

“Ang tanong ngayon ng ating mga kababayan, makikipagkita kaya si Bimby sa kaniyang amang si James Yap. Kasi no’ng una, nagkita sila, e,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Kasi sinabi naman ni Kris Aquino, binibigyan niya ng kalayaan ang kaniyang anak na makadiskubre ng iba’t ibang bagay. At syempre kasama na do’n syempre pa…pati ‘yong tatay pwedeng pupuntahan.”

Ayon din kasi kay Cristy, hahanap-hanapin daw talaga ng isang bata ang pinagmulan niya para maramdaman nito ang fulfillment sa pagkatao.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Bimby at James tungkol sa kanilang pagkikita. 

Matatandaang nausisa naman noong Mayo ni showbiz insider Ogie Diaz ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ni James sa asawa nitong si Michela Cazzola.
MAKI-BALITA: James Yap, hiwalay na sa asawa?