December 08, 2024

Home BALITA National

Abalos, hinamon si Quiboloy: 'Wala kang kasalanan? Sumuko ka!'

Abalos, hinamon si Quiboloy: 'Wala kang kasalanan? Sumuko ka!'
MULA SA KALIWA: DILG Sec. Benhur Abalos at Pastor Apollo Quiboloy (Facebook; MB file photo)

Hinamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos si Pastor Apollo Quiboloy na kung talagang wala raw itong kasalanan ay sumuko ito at patunayan sa korte.

Sinabi ito ni Abalos sa isang press briefing nitong Lunes, Hulyo 8, kung saan inanunsyo rin niyang bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Quiboloy.

MAKI-BALITA: P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy -- Abalos

“Ako’y nananawagan kay Pastor Quiboloy, alam n’yo ito naman ay warrant and we have to implement this. Kung talagang wala po kayong kasalanan, Pastor, meron tayong tinatawag na korte. Sumurrender na lang po tayo para matapos na po ito. Harapin po natin ang akusasyon kamukha ng ginagawa ng mga ordinaryong tao,” ani Abalos.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

“Dapat ganoon ang mangyari. Pero sa nangyayaring ito, parang tinatapak ang sistema ng pamahalaan. Parang niyuyurakan eh,” dagdag niya.

Kaugnay nito, binanggit din ng DILG chief ang naging reaksyon ng ilang kaalyado ni Quiboloy sa naging pagsilbi ng mahigit 100 pulis ng warrant of arrest nito at limang iba pa sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, kakasuhan mga pulis na nagsilbi ng warrant kay Quiboloy?

MAKI-BALITA: Padilla, naghain ng resolusyon para imbestigahan operasyon ng pulisya vs Quiboloy

“Magse-serve ka ng warrant parang ikaw pa ang masama, hindi ba? Basta simple lang, ang batas ay batas. Ang may kasalanan, mananagot. At ‘yan ang gagawin namin, Pastor Quiboloy. Ngayon, simple lang, may warrant [at] wala kang kasalanan? Sumuko ka. Mahirap ba ‘yun?” saad ni Abalos.

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA 9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy