September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Zeinab Harake, 'di inakalang pakakasalan ang ganda niya

Zeinab Harake, 'di inakalang pakakasalan ang ganda niya
Photo Courtesy: Screenshots from Zeinab Harake (YT)

Tila hindi makapaniwala ang social media personality na si Zeinab Harake matapos siyang alukin ng kasal ng jowa niyang si Bobby Ray Parks, Jr.

Sa latest episode ng vlog ni Zeinab nitong Linggo, Hulyo 7, matutunghayan ang naging reaksiyon niya sa marriage proposal ng basketball player niyang jowa.

“Mahal, ang ganda [ng singsing]....Parang pinakasalan mo na ako agad, a. Grabe ‘yong singsing. As in. [...] Nakapili rin nang maayos,” saad ni Zeinab.

“Mapapakasalan pa pala ‘tong ganda ko,” natatawang sabi niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Bukod dito, pinaalalahanan din ni Zeinab si Ray na sana ay hindi sila saktan nito ng mga anak niya. Hindi raw kasi talaga siya naniniwala sa kasal dahil sa mga nangyari sa kaniya sa nakaraan.

“Pero nang dumating si Ray sa buhay ko, do’n ko naano ‘yong sarili ko na magse-settle ako sa taong ‘to. Kasi nakikita ko sa kaniya ‘yong future na alam kong maiintindihan niya ako kahit sa pinakamahirap na sitwasyon pa ng buhay natin,” aniya.

Dagdag pa niya: “So sumugal ako ngayon with our life talaga. Buhay naming tatlo ng bata, binibigay ko sa ‘yo kasi naniniwala ako sa Diyos, sa ‘yo, and you deserved it, Daddy [Ray].”

Matatandaang galing sa failed relationship si Zeinab dahil sa cheating issue ng ex-jowa niyang si Daryl Ruiz o mas kilala bilang “Skusta Clee.” 

Kaya naman, matapos ang engagement nina Ray at Zeinab ay inurirat ng mga netizen si Skusta para hingan ng pahayag sa bagong milestone sa buhay ng ex-jowa nito.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na tugon o reaksiyon ang singer-songwriter hinggil dito.

MAKI-BALITA: Skusta Clee, inurirat matapos engagement nina Zeinab at Ray Parks