October 06, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng hapon, Hulyo 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:18 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 86 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

4.6-magnitude na lindol, yumanig sa Masbate