October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Barbie, Jak nawalan ng quality time dahil sa BarDa?

Barbie, Jak nawalan ng quality time dahil sa BarDa?
Photo Courtesy: Barbie Forteza (IG)

Naitanong ni Asia’s King of Talk Boy Abunda kay “That Kind of Love” star Barbie Forteza kung ano ang pinaka-challenging part ng relasyon nila ng jowang si Jak Roberto sa loob ng pitong taon.

Sa latest episode ng “Fast Talk” noong Biyernes, Hulyo 5, sinabi ni Barbie na madalas daw silang nahihirapang magkaroon ng quality time lalo na nang maging abala siya sa trabaho.

“Quality time especially no’ng na-busy and syempre nakaramdam ako ng konting guilt towards him ‘cause—I have to admit hindi naman ‘to parang bago na—I had to set him aside kasi nag-pick up ang BarDa,” saad ni Barbie.

“Pero he really took it lightly. He was very proud of me, very happy for me. Siya nga ‘yong laging nagyayayang mag-celebrate. Ite-treat niya ako ‘pag may bago akong endorsement with David [Licauco] or ‘pag may bago akong show with David,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa niya: “Talaga he sees to it na magse-celebrate kami. Ite-treat niya ako, ide-date niya ako. Gano’n siya.”

Samantala, sa naunang bahagi naman ng panayam ay naitanong kay Barbie kung naniniwala ba siya sa 7-year itch at kung paano nila nasu-sustain ni Jak ang kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Jak Roberto, mature humawak ng relasyon