October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Bagong 'babae' sa buhay ni Coco Martin, si Kim Domingo?

Bagong 'babae' sa buhay ni Coco Martin, si Kim Domingo?
Photo courtesy: Screenshot from Dreamscape Entertainment/via Balita

Trending ang pangalan ng GMA sexy actress na si Kim Domingo sa X matapos lumutang na siya raw ang bagong babaeng mapapabilang sa cast ng "FPJ's Batang Quiapo."

Nagpakita kasi ng teaser video ang Dreamscape Entertainment hinggil sa isang babaeng motorcycle rider na nakatakip ang mukha subalit litaw ang mga mata nito.

Sa ganda ng mga mata nito at puti ng kutis (partida may takip pa ang fez), ang mga lumutang na pangalan ay sina Jessy Mendiola na kakapirma lang ulit ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic, at si Kim Domingo nga.

Bagay na usap-usapan naman sa X. Si Kim ay pitong taong nasa pangangalaga ng Kapuso Network, at ang huling proyekto niya ay "Start-Up PH" na pinagbidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Sino siya? Bagong makakalaban o bagong... - Kapamilya Online World | Facebook

Facebook

"Ipapasok sa BQ tapos another love interest ni Coco, tapos di magtatagal, matetegi sa show at di na rin masusundan ng project sa dos, hahaha."

"Whaaaat? 7 years na siyang artista sa GMA?"

"i love kim domingo bigyan sana sya ng maraming projects.. and mukhang aalis si ivana ah sa BQ."

"Bagong babae ni Coco? Paano na si Bubbles?"

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa Dreamscape tungkol sa tsikang ito.